Marami ang naloka sa kumalat na tsismis tungkol sa tila mukhang “sabay” diumanong naging ‘booking’ nina TV Host at Sports Celebrity sa isang beking politician?
Matagal ng may usok sa pagkatao ni beking politician na mahilig sa mga lalaking matatangkad, tisoy, at magagaling magsalita. In short, may laman ang utak at mahusay magpahayag ng mga saloobin nila.
Ayon sa nakalap ng BISTADO, nagtataka daw ang ilang netizen na nakatutok sa mga socmed accounts ng mga naturang personalities dahil halata naman daw na hindi naman magka-kilala, much more close friends sina TV host at sports celebrity.
Subalit sa ilang photos daw ng mga ito na lumabas sa kanilang mga socmed accounts ay makikitang nasa iisang lugar sila lalo’t identical din ang mga background nila.
At ang pinaka-intriguing nga daw ay ang presence din ni beking politiko na may may mga kuha din separately sa dalawang personalities.
Hindi na daw sana magkakaroon ng malisya kung hindi lumitaw ( burado na umano ngayon) ang isang video o reel na makikitang game na game daw sa harutan sina tv host at sports personality kay beking politiko.
“Harutan as in, may yakapan at may mga paghipo. May malice ang awrahan hahaha,” komento ng ilang netizen na nakakuha daw ng reel.
“Knowing fully well kung paanong mag-operate si beking politician, mukhang na-tuhog nga niya. Pag nagsalita na ang ‘milyones’ niya, kaboom,” pang-iintriga pa ng ilan.
Posible nga daw kayang na-book sila ng sabay ni politikong beki? Hmmm….


