Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Bilyonaryong businessman at hunk actor, getting closer everyday

Hmmm…sino kaya itong bilyonaryong businessman na dati ring pumasok sa larangan ng public service, nagkaroon ng mga babaeng partner at mga anak, only to find out later on his life, na “iba” daw pala yata ang gusto nitong ka-partner?

Yes, pinag-uusapan ngayon sa apat na sulok ng showbiz ang naturang bilyonaryo na minsan na ding nakilala bilang magaling na public servant sa kanyang distrito pero naging prominente sa national level dahil sa husay nito sa isang aspeto ng pag-gobyerno.

Dangan kasi ay sobra na yata daw itong involve sa isang hunk actor dahil getting closer daw ang mga ito sa halos mga sighting sa kanila sa mga business meetings o gatherings.

Nagkaroon ng dalawang anak sa kanyang naging mga partner si bilyonaryong businessman, hanggang sa makilala daw nito ang isang sikat na hunk actor mula naman sa angkan ng mga artista.

Noong umpisa daw ay parang pamangkin sa turing lang ang hunk actor na naging kontrobersyal naman dahil sa lagi itong nakikipag-break sa mga magaganda nitong girlfriends from in and out of showbiz.

Mahilig ding mag-pris rilis si hunk actor na of marrying age na siya kaya’t nais na niyang makita ang kanyang “the one.”

Ang siste, simula nga daw nang maging close sila ni bilyonaryong businessman, ay tila nag-iba na naman ang mga priorities nito lalo’t may tsismis na ipinagpatayo pala si hunk actor ng ïsang “coliseum o sports gym” sa kanyang native province, in guise of “business partnership” umano nila ng bilyonaryong businessman.

Matagal na ding natsi-tsismis si bilyonaryong businessman na may something sa kanyang “gender preference” lalo na noong siyaý nas public service pa at hindi rin naman niya pinakasalan ang sinuman sa mga babaeng kanyang naanakan.

Sa madaling salita, nag-wa-wan-plus-wan ang marami sa ngayon na baka nga daw iba ang type ni bilyonaryong businessman at dahil close ito ngayon kay hunk actor, poisble diumano na nagtagpo ang kanilang mga “preferences.”

May tsika pa ngang baka daw laging nakikipag-break si hunk actor sa kanyang mga nakaka-relasyon ay baka posible ding iba ang kanyang gusto?

No more clues, dahil baka, ma-??? pa tayo hahaha! Big Q as in question mark?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles