Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Top TV Executive, nabuking ang mga kakaibang raket, tsutsugihin soon!

Pinag-uusapan ang napipintong umano’y nalalapit na pag-tsugi sa isang top lady executive ng isang bonggang broadcast network na maituturing sa kasalukuyan na bukod tanging “surviving” network with plenty of subsidiaries nationwide and abroad.

Ayon sa nakalap ng BISTADO, si top lady TV executive ay nabuking na marami palang mga ginawang ‘raket’ within the companies of the network (yes, the said network as siad has plenty of subsidiaries and related multi-media businesses) ka-kutsaba ang ilang mga tauhan na ngayon ay tetestigo against her.

Mula sa simpleng pag-padding umano ng mga cost ng production, hanggang sa paglalagay ng ‘cut’ sa mga suppliers nila kada event (showbiz, sports, political coverages, etc) hanggang sa pag-demand ng commission sa mga nabu-book na artists.guests and the like, niraraket palang lahat umano yun ni top lady executive.

“May mga pawns siya na regular na ganun ang routine. Kahit sa accounting at audit, nagagawan nila ng paraan,” ang sumingaw na tsika ng ngayo’y nagsasabing sangkot sa isyu at kontra na ngayon kay top lady executive.

“Saan ka pa. Binabakuran niya ang mga big bosses para walang makalapit man lang sa mga ito and give them the impression that everything is well-taken care of sa companies nila. Ganun siya katindi, na pati yung pag-BONA (read: pag-astang alalay, maid, nurse etc) sa mga medyo oldies na nilang top bosses ay ginagawa niya,” hirit pa ng mga kausap ng BISTADO.

May mga government transactions din umano si top lady executive na napakahusay ang speaking and convincing skills.

Matagal na umanong pinagdududahan ang mga gawain ni top lady executive pero dahil malinis daw itong magtrabaho ng mga raket, wala daw makuhang proof o ebidensya laban dito.

Hanggang sa mayroon nga umanong sumingaw at sumigaw na mga tauhan nito na “years” na daw nila itong ginagawa at nagawang parang normal na natural na bahagi na lang ng operation ng network ang mga usapin sa suppliers, costs and budget, marketing and promotion, production, etc, na siyang hawak ni top lady executive.

At kahit may napipintong pag-tsugi dito at pagpapanagot, marami ang naniniwalang magbu-buhay reyna na si top lady executive na balita pang mayroon ng mga investments abroad.

Yun nga lang, pinagtatakhan pa rin ng marami kung bakit daw sa gitna ng daang milyones marahil na na-raket nito, bakit daw hindi man lang nag-improve ang way of dressing nito, much more yung look daw nitong mukhang cartoon character sa Walt Disney?

Sinong may sabi na mga taong gobyerno lang ang mahusay gumawa ng kakaibang “raket?”

Aguy, naman sa mga clues hahahaha!!!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles