Grabe pero kung totoo man ang kumakalat ngayong tsismis sa mundo ng showbiz at politics, mapapa-sana ol na nga lang daw ang marami sa inggit kay kilalang manager ng mga sikat na artista sa showbiz at PR din ng ilang mga kilalang pulitiko.
Tsika nga ng mga tweety birds ni Mon Tulfo, si kilalang manager pala ay mas malakas daw kumita hindi sa mga nakukuha nitong projects for his talents sa showbiz o sa mga pag-pi-PR sa politics, kundi sa ibang kakaibang “booking.”
Hindi kumpirmado kung “beki” si kilalang manager dahil mayroon umano itong pamilya at mga anak.
Maraming hawak na mga big time celebrities si kilalang manager gaya ng mga kilalang award-winning TV hosts, mga serious celebrities na nasa mundo ng news and current affairs, at mga big showbiz artists na mabenta din sa mga product and commercial endorsements.
Pinaka-kilala nga dito ang isang female celebrity na kahit wala namang mga malalaking TV o film projects ay nakaka-afford magliwaliw sa mga first world countries gaya ng Europe at USA.
Ang naturang female celebrity ay sinasabing ipinakilala ni kilalang manager sa isang bilyonaryong pulitiko na maraming negosyo sa “energy at mining, ” at may balita ngang may maganda na umanong relasyong namamagitan sa mga ito.
Kasama din dito ang isa namang beauty-queen turned movie big star na minsan lang daw na-manage ni kilalang manager pero after a year or two ay nagkaroon na ng big travel agency business sa isang Southeast Asian country, na naging paborito na nitong ‘second home’ after nitong manalo dun sa isang international beauty pageant.
May mga kagaya pang tsika sa mga kakaibang extra curricular activities/engagements ni kilalang manager na nakakatawid sa mga mundo ng entertainment at politics, negosyo at travel.
In short, sobrang high profile diumano ang ‘peg’ ni kilalang manager and yet sa mga public appearances daw nito ay napapanatili nito ang image niyang ‘simple at mukhang commoner.’
Heto na ang clincher ng tsismisan ngayon.
Dahil daw sa ongoing ASEAN SUMMIT ay nakakapagtaka daw na bigla ding nagkaroon ng visibility ang ilang mga artista, modelo, at beauty queen, both females and males sa ilang posh hotels ng metropolis.
Ang tsika ay nagkaroon ng bonggang “passport” si kilalang manager na mag-book ng mga magaganda at seksing mga celebrities, mga hunk models para maging ‘escort women at men’ o mga taga-aliw ng mga lider na kalahok/delegado sa naturang pagtitipon.
Sey nga ng BISTADO sources, “tunay namang he lives on to the theme of ‘Navigating Our Future Together,” dahil nga daw sa pambihira nitong kunek, powers or whatever you call it sa mga kaganapang gaya ng nangyayari sa ngayon.


