Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

‘Walang katotohanan’: Ante Kler, pinabulaanang nag-apply bilang SC justice

Pinabulaanan ni Palace Press Officer Claire Castro, na kilala bilang “Ante Kler,” ang mga ulat na posibleng italaga siya bilang associate justice ng Supreme Court (SC), dahil hindi naman umano siya nag-apply sa posisyon.

“Associate justice ng Supreme Court si ‘Ante Kler’? Hindi ako nag-apply. So, wala pong katotohanan ‘yun,” ani Castro sa press briefing nitong Martes, October 27.

Lumabas ang mga espekulasyon matapos maiulat na kabilang si Associate Justice Rodil Zalameda sa mga nangungunang pinagpipilian bilang susunod na Chief Justice, na maaaring magbukas ng bakanteng puwesto sa Korte Suprema.

Tinanong din si Castro kung pinag-iisipan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na italaga si Zalameda bilang bagong Chief Justice, ngunit tumanggi siyang pangunahan ang desisyon ng Pangulo.

“At kung sino man ang mapipili ng Pangulo bilang susunod na Chief Justice ng Supreme Court, ayaw po nating pangunahan kung sino man ang mapipili ng Pangulo,” aniya.

Nakatakdang magretiro si Chief Justice Alexander Gesmundo sa November 6 pagsapit ng mandatory retirement age na 70.

May 90 araw si Marcos mula sa pagkabakante ng posisyon para italaga ang ika-28 Chief Justice ng Pilipinas. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles