Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Usapang kapalit ni VP Sara, premature pa; presidente magdedesisyon – Barbers

Masyado pang maaga para pag-usapan ang posibleng kapalit ni Vice President Sara Duterte kung mapatunayang guilty at mapatalsik sa impeachment trial, dahil si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magpapasya kung sino ang kanyang inonominang bagong bise presidente, ayon kay House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers.

“Well, tama. Number one, still premature na pag-usapan ’yan,” ani Barbers sa press briefing nitong Martes, October 27.

“Number two, we leave that up to the President kasi prerogative ng ating Pangulo ’yan kung sino at kung saan siya pipili ng kanyang ipapalit bilang bise presidente,” dagdag niya.

Ayon kay Barbers, posibleng nag-ugat ang mga espekulasyon sa mabibigat umanong ebidensyang iniharap ng House prosecution laban kay Duterte.

“Nakikita nila na napakabigat ng mga ebidensyang ipinresenta ng prosecution,” giit niya.

Sa ilalim ng Konstitusyon, kapag nabakante ang posisyon ng bise presidente, pipili ang Pangulo ng kapalit mula sa mga miyembro ng Senado o House of Representatives.

Kailangan namang kumpirmahin ang nominasyon sa pamamagitan ng majority vote ng mga miyembro ng dalawang kapulungan, na magkahiwalay na boboto.

Hindi pa nagpapasya ang Senate impeachment court sa natitirang kaso laban kay Duterte kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth.

Nakatakdang simulan ng kanyang defense team ang paghaharap ng ebidensya sa November 9 sa pagpapatuloy ng impeachment trial. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles