Certified toprater talaga ang tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
Sa patuloy na bonggang magic ng MarJo, tila “in na in” muli ang feel-good series dahil kahit sa parehong TV at online platforms ay giliw na giliw ang streaming audiences. Tunay namang bongga ang simula para sa Mommy Guard!

Umani ng magagandang reviews at positibong reaksyon ang pinakabagong feel-good series nina Jolina at Marvin matapos ang pilot episode nito sa TV5 at ABS-CBN platforms. Dagdag pa sa magandang balita, umangat na rin ang serye sa No. 6 spot sa Netflix Philippines Top 10 TV Shows chart!
Trending sa usapan ng netizens ang much-awaited reunion ng iconic MarJo tandem, na muling naghatid ng kilig, tawanan, nostalgia, at good vibes sa mga manonood.
“Finally… MarJo is back!” komento ng isang excited viewer, habang isa naman ang nagsabing, “Ganda ng Mommy Guard, first episode pa lang!”
Sa YouTube, hindi rin nagpahuli ang fans sa kanilang papuri. “Winner! Pilot Episode… Looking forward next episode,” ayon sa isang netizen, habang isa naman ang nagkomento ng, “Ang gandang panoorin, ang saya!”

Pati sa Reddit, kapansin-pansin ang positive feedback sa production quality ng serye. May mga pumuri sa K-drama vibes, cinematography, at mala-pelikulang shots ng Mommy Guard, patunay na hindi lang ang nostalgia ng MarJo ang nakakuha ng atensyon ng audiences.
Bukod sa walang kupas na chemistry nina Marvin at Jolina, marami ring viewers ang natuwa sa lighthearted storytelling, natural na comedy, at relatable na mga karakter. Para sa ilan, refreshing ang isang teleseryeng kayang magbigay ng saya at pahinga mula sa mabibigat na kuwento.
Mas lalo pang naging exciting ang opening week ng serye matapos nitong makapasok at umangat sa No. 6 sa Netflix Philippines, isang promising indication ng growing interest sa Mommy Guard sa streaming audience.
Sa magandang pagtanggap ng viewers sa TV at Netflix, pinatutunayan ng Mommy Guard na buhay na buhay pa rin ang MarJo magic—at may espesyal pa ring lugar sa puso ng mga Pilipino ang mga kuwentong puno ng pagmamahal, tawanan, at inspirasyon.
Abangan ang Mommy Guard tuwing Monday to Friday, 2:30 PM sa TV5 at ABS-CBN platforms! Available din ang episodes nito sa Netflix, three days ahead of its television airing.


