Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Visayas grid isinailalim sa red, yellow alerts dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente

Isinailalim sa red at yellow alerts ang Visayas power grid nitong Huwebes, October 22, dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente kasunod ng pagkawala sa operasyon ng ilang malalaking power plant.

Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), itinaas ang red alert mula 5 p.m. hanggang 6 p.m., habang yellow alert naman mula 6 p.m. hanggang 7 p.m. ngayong araw.

Nasa 2,608 megawatts (MW) ang available capacity ng grid, halos kapantay ng inaasahang peak demand na 2,581 MW.

Pangunahing dahilan ng kakulangan ang pagkawala sa operasyon ng Unit 3 ng Panay Energy Development Corporation (PEDC) at Unit 1 ng Kepco SPC Power Corporation (KSPC), na parehong coal-fired power plants.

Limitado rin ang naipapadalang kuryente mula Mindanao dahil sa nakatakdang outages ng Unit 4 ng GNPower Kauswagan at Unit 2 ng Therma South Inc., bukod sa biglaang pagkawala sa operasyon ng Unit 2 ng Pulangi 4 hydroelectric power plant.

Ayon sa NGCP, limang power plants sa Visayas ang hindi available ngayong October, habang 16 iba pa ang hindi gumagana mula pa noong 2021.

May 21 power plants ding hindi makapagprodyus ng kuryente sa kanilang buong kapasidad.

Dahil sa mga problemang ito, nabawasan ng humigit-kumulang 599.1 MW ang available power supply sa Visayas.

Itinataas ang yellow alert kapag kapos ang reserbang kuryente, habang red alert naman kapag hindi sapat ang suplay para matugunan ang demand at kinakailangang operating reserves. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles