Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Mahigit 1 toneladang karne, kinumpiska sa Nueva Ecija

Nasamsam ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang 1,019.6 kilo ng karne at mga produktong karne na nagkakahalaga ng P203,928 sa mga pampublikong pamilihan sa Gapan at Cabanatuan, Nueva Ecija noong November 13.

Kabilang sa nakumpiska ang frozen meat na walang kaukulang dokumento, karne na hindi wastong naimbak o nahawakan, “hot meat,” at mga produktong itinuring na hindi ligtas kainin.

Naitala ang mga paglabag sa Department of Agriculture Administrative Order No. 6, series 2012, na nagtatakda ng wastong paghawak at pag-iimbak ng frozen, thawed at chilled meat sa mga pamilihan.

“Hindi natin pahihintulutan na malagay sa panganib ang kalusugan ng publiko dahil sa mga karne na hindi ligtas, walang kaukulang dokumento at hindi angkop kainin,” ani Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Katuwang ng NMIS sa operasyon ang Criminal Investigation and Detection Group, DA Inspection and Enforcement Unit at mga lokal na pamahalaan ng dalawang lungsod.

Dinala ang mga nasamsam sa kinikilalang rendering facility sa Porac, Pampanga upang iproseso at gawing hindi na maaaring kainin ng tao, alinsunod sa mga regulasyon ng NMIS. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles