Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Heavy Bombers, nangunguna sa NCAA basketball Group A

Tinalo ng Jose Rizal University ang Lyceum of the Philippines University, 81-78, nitong Martes upang manguna sa Group A ng men’s basketball ng NCAA Season 102 sa San Juan Arena.

Umangat sa 8-3 ang kartada ng Heavy Bombers sa kabila ng pagkawala ng kanilang injured na key player na si Chris Hubilla, na hindi muna makapaglalaro matapos magtamo ng partial MCL (medial collateral ligament) tear.

Pinangunahan ni Matthew Rubico ang paghabol ng Lyceum upang makalapit sa 78-79 sa natitirang 16 segundo.

Ngunit bumanat si Lawrence Mangubat, na galing sa shoulder injury, ng dalawang free throw upang bigyan ang JRU ng 81-78 na kalamangan.

Sa natitirang 9.2 segundo, nagtangkang umiskor mula sa three-point line sina Lance Aurigue at Renz Villegas ngunit kapwa nabigo, habang tinanggap ng Pirates ang kanilang ikaanim na pagkatalo sa 10 laro.

Pinangunahan ni Sanlea Peñaverde ang Bombers sa naitalang 22 puntos, limang assists, apat na steals at tatlong rebounds.

“Hindi naman sila (Lyceum) basta basta sumusuko. Last season muntik pa sila mag-Final Four. Kapag pinapanood ko sila, malakas talaga at iba talaga ‘yung laro nila,” ani Peñaverde.

Nagdagdag si Sean Salvador ng 16 puntos, sinundan ni Mangubat na may 12, habang nagtala si Ivan Panapanaan ng 10 puntos at 12 rebounds.

Nanguna naman si Villegas para sa Lyceum sa naiskor na 20 puntos, walong rebounds at anim na assists. Nagtala sina Jonathan Daileg at Rubico ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Nagtamo ng injury si Hubilla sa huling bahagi ng first quarter ng laro ng JRU kontra defending champion San Beda University nitong Biyernes nang magbanggaan ang kanyang tuhod at si RC Calimag.

Nagwagi ang Red Lions, 75-71, upang makatabla sa Heavy Bombers sa kartadang 7-3.

The scores:

JRU 81 – Penaverde 22, Salvador 16, Mangubat 12, Panapanaan 10, Eligado 6, Agemenyi 6, Laurenaria 4, Herrera 3, Garcia 2, Palis 0, Masiglat 0, Duque 0, Bagro 0.

LYCEUM 78 – Villegas 20, Daileg 15, Rubico 12, Aurigue 10, Matienzo 9, Guadana 7, Fuentes 5, Manuel 0, Penafiel 0, Almario 0, Caduyac 0, Nocum 0, Pallingayan 0, Gordon 0, Cardinas 0.

Quarters: 24-13; 46-42; 63-56; 81-78

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles