Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Abando, nasaktan sa Korea, papalitan ni Rosario para sa World Cup qualifiers

Papalitan ni Troy Rosario si Rhenz Abando sa Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA World Cup qualifiers matapos ma-injure ang huli sa Korean Basketball League.

Inilabas ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang anunsyo matapos magtamo ng sprained ankle si Abando ng Anyang Jung Kwan Jang sa kanilang laban kontra KCC Egis nitong Huwebes.

“Due to the injury suffered by Rhenz Abando last night, he will no longer be able to join Gilas Pilipinas Men for Window 5 of the Asian Qualifiers. Troy Rosario will complete the 12-Man roster,” ayon sa pahayag ng SBP nitong Biyernes.

“The SBP wishes Rhenz Abando all the best with his recovery and thanks Troy Rosario for his continued commitment to the program.”

Nakatakdang bumiyahe ang pambansang koponan patungong Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Sabado para sa fifth window ng qualifiers.

Nasa ikalimang puwesto ang Gilas sa Group E taglay ang 4-4 kartada. Makakaharap nito ang Syria sa Nobyembre 27 at Iran sa Nobyembre 29 sa Karisma Arena sa Seremban City.

Ito sana ang unang pagkakataon ni Abando na makapaglaro sa ilalim ni coach Tim Cone.

“He (Abando) was excited, we were excited. Sayang,” pahayag ni Cone.

Nagpahayag din ng pananabik si Dwight Ramos na makasama si Abando, na kapwa niya mahilig sa video games.

“Rhenz is one of my friends so I’m happy to see him play,” ani Ramos, habang hindi pa batid ang injury ni Abando.

Umuwi panandalian mula sa Japan B.League si Ramos at nanood ng laro ng girlfriend na si Kim Kianna Dy sa Premier Volleyball League sa Mall of Asia Arena sa Pasay City nitong Huwebes.

Natalo ang PLDT team ni Dy kontra Choco Mucho at nasibak sa semifinals ng Siklab Series.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles