Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

ERC magtatakda ng price cap sa power reserves

Balak limitahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang presyo ng reserbang kuryente para mapigilan ang sobrang taas na singil na ipinapasa sa mga consumer, partikular sa Visayas at Mindanao.

Naghain ang ERC ng panukalang secondary price cap (SPC) sa Reserve Market, na awtomatikong ipatutupad kapag lumampas sa itinakdang antas ang average na presyo ng reserbang kuryente sa loob ng 72 oras.

“Reserves are necessary to keep the grid secure, but consumers should not pay excessive prices for them,” ani ERC Chairman at CEO Francis Saturnino Juan.

Sa panukala, magkakaroon ng magkakaibang limitasyon ang apat na uri ng power reserves.

Para sa regulating up reserves, P14.115 kada kilowatt-hour (kWh) ang price cap kapag umabot sa P15.816 ang average na presyo. Sa regulating down, P14.548 ang limitasyon kapag umabot sa P16.104.

Samantala, P5.187 kada kWh ang cap sa contingency reserves kapag umabot sa P8.940 ang presyo, habang P3.216 naman sa dispatchable reserves kapag umabot sa P7.83.

Hiwalay na ipatutupad ang mga limitasyon sa Luzon, Visayas at Mindanao, depende sa paggalaw ng presyo sa bawat grid.

Ang power reserves ay ginagamit para mapanatiling matatag ang suplay ng kuryente kapag biglang tumaas ang demand o nagkaroon ng aberya sa mga planta at transmission line.

Batay sa pagsusuri ng ERC, nagdagdag ng tinatayang P1.29 kada kWh sa singil sa kuryente sa Visayas noong 2025 ang mga reserbang binili sa spot market, kumpara sa P0.02 kada kWh mula sa mga pangmatagalang kontrata.

Dahil sa patuloy na mataas na presyo, pansamantalang sinuspinde ng ERC ang operasyon ng Reserve Market noong October 14 habang pinag-aaralan ang mga pagbabago sa sistema.

Sa simulation ng ahensya gamit ang datos mula August 26 hanggang September 25, posibleng mapababa ng panukalang price cap ang average reserve prices nang 12 hanggang 50 porsiyento sa Visayas at 17 hanggang 33 porsiyento sa Mindanao.

Hindi pa pinal ang bagong patakaran. Hanggang November 13 maaaring magsumite ng komento ang mga stakeholder, habang nakatakda ang public consultation sa November 27.

“We are putting this safeguard on the table now so that it is ready before the Reserve Market resumes,” ani Juan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles