Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kanlaon nitong Biyernes ng hapon, na lumikha ng abuhing plume na umabot sa 300 metro sa ibabaw ng bunganga, ayon sa Phivolcs.
Nananatili ang Alert Level 2, na nangangahulugang posible ang mahina hanggang katamtamang lakas na mga pagsabog.
Mahigit 280 ash emission event na ang naitala sa bulkan ngayong taon. Sa nakalipas na 24 oras, naitala rin ang isang volcanic earthquake at karaniwang sulfur dioxide emission na 3,179 tonelada kada araw.
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong permanent danger zone. Pinag-iingat din ang mga pupunta sa paligid ng bulkan. /Bistado


