Nanguna ang Department of Education (DepEd) sa pinakahuling SWS satisfaction survey, ayon sa ahensiya, na nagbigay-pugay sa mga guro at kawani sa mga pampublikong paaralan.
Nakakuha ito ng “very good” na +61 net satisfaction rating para sa pagbibigay ng basic education sa pampublikong elementarya at high school, at +50 para sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon ng mga bata.
“This strong vote of public confidence is a direct testament to the dedication, resilience, and hard work of our teachers, school heads, and education workers nationwide,” ani Education Secretary Sonny Angara.
Samantala, tumanggap ng bagong MacBook Neo laptops ang 1,441 guro mula sa 62 pampublikong paaralan sa Antipolo City. Inilunsad din sa Ynares Center ang GuroXL, isang programa para sa propesyonal na pagsasanay ng mga guro.
Sa buong bansa, nakapag-award na ang DepEd ng mga kontrata para sa 231,725 teacher laptops, na binubuo ng 169,008 MacBook Neo at 62,717 Windows-based units. May hiwalay na 3,646 MacBook Neo para sa administrative officers.
Nagsimula ang pamamahagi sa Dagupan City noong November 9 at magpapatuloy hanggang March 2027 sa ilalim ng DepEd Computerization Program. /Bistado


