Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Singer-Actress, nag-rason, “season kasi, makabawi man lang”

Pinag-uusapan ngayon ang sinasabing praktikal na pananaw ng isang singer-actress na ngayong nalalapit ang Christmas season/celebration ay biglang “nagtaas” ng kanyang talent fee sa mga event invites.

“Sa mga ganitong time lang naman din kami nakakabawi. Part na ng season iyan,” ang sinasabing pananaw nito sa mga panahong may inquiries para kunin siyang guest singer/performer sa mga Christmas parties, thanksgiving event, at iba pang celebration para maging  merry ang okasyon.

Pero may reaksyon ang ilan umanong producers na laging kinukuha si singer-actress kapag ‘dry season’ o mahina ang mga raket gaya ng out of town invites, guesting at iba pa. 

“Disappointing lang kasi dati siya (singer-actress) pa ang nangungulit sa amin na bigyan siya ng raket. Na hanapan siya ng engagement kahit presyong masabi lang na relevant pa rin ang husay niya,” reklamo daw ng ilan sa mga naturang producers.

Ang siste daw kasi, ngayong may mga shows ding ginagawa ang ilan sa mga producers na ito sa Manila man o mga lugar sa Visayas at Mindanao, bigla daw naging mahirap na kontakin, much more imbitahan si singer-actress sa mga nabanggit na booking o engagement.

“Ang nakakalokah, noong binalikan niya kami, bigla din siyang naging pricey. As in more than 100%  ang itinaas ng rate niya. Kung dati na namin siyang nakukuha lang for example sa budget na 100k, aba’y bigla itong naging half a million or even more depende daw sa lugar, ” sey ng ilang producers.

Hirit pa ng iba, “hindi lang iyan. Kung dati ay generous siya na kumanta ng 5-7 songs sa ganung halaga, ngayon, naging 3-4 songs na lang sa presyong 500k?”

Mahusay na singer ang pinag-uusapan sa item na ito at nanggaling sa isang reality search.

Hindi man siya ganung ka-bongga as an actress, winner naman din siya sa as a singer dahil madalas siyang kinukuhang singer ng mga theme songs ng TV teleseryes at mga movies.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles