Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Kita ng Wilcon, lagapak ng 22% sa P548M

Bumagsak ng 22.1 porsiyento sa P548 milyon ang kita ng Wilcon Depot Inc. sa ikatlong quarter ng 2026 dahil sa mahinang bentahan at pagtaas ng gastos sa operasyon.

Ayon sa ulat ng kumpanya nitong Lunes, November 9, umakyat man ng 2.4 porsiyento sa P9.45 bilyon ang benta mula July hanggang September, bumaba naman ng 1.9 porsiyento ang same-store sales.

Sinisi ng Wilcon ang malalakas na ulan noong August, mataas na inflation at paghina ng paggastos ng mga mamimili.

Mas mabilis ding lumaki ang operating expenses kesa sa benta, habang lumiit sa 37.2 porsiyento ang gross profit margin.

Sa mga pangunahing Wilcon Depot branch, umabot sa P9.07 bilyon ang benta, habang sumirit ng 22 porsiyento sa P353 milyon ang benta ng mas maliliit na Do It Wilcon stores.

Sa unang siyam na buwan ng taon, bumaba ng 6.1 porsiyento sa P1.75 bilyon ang net income kahit lumago ng 7.9 porsiyento sa P28.43 bilyon ang kabuuang benta.

Umabot naman sa 111 ang tindahan ng Wilcon sa buong bansa matapos magbukas ng pitong bagong branch.

“We expected a sharp turnaround in September, but prevailing macroeconomic challenges limited consumer spending to repairs and basic, essential home improvement projects,” ani Wilcon President at CEO Lorraine Belo-Cincochan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles