Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Anko, magbubukas ng 3 bagong tindahan; 9 branches na sa PH

Magbubukas ng tatlong bagong tindahan sa Laguna, Cavite at Muntinlupa ang Australian home at lifestyle retailer na Anko bago matapos ang 2026, dahilan para umabot sa siyam ang branches nito sa Pilipinas.

Ayon sa kumpanya, unang magbubukas ang Anko sa Ayala Malls Nuvali sa Laguna sa November 12, kasunod ang Ayala Malls Evo City sa Cavite sa November 27 at Festival Mall sa Muntinlupa sa December 10.

Ito ang unang pagpasok ng Anko sa mga lalawigan sa labas ng Metro Manila mula nang magsimula itong magnegosyo sa bansa noong 2024.

Mula sa kasalukuyang anim na tindahan, target nitong palawakin ang pagbebenta ng abot-kayang gamit sa bahay, kitchen essentials, dekorasyon, laruan at iba pang pang-araw-araw na produkto.

“Expanding beyond Metro Manila reflects our confidence and our goal to make stylish, functional home products accessible to more households close to home,” ani Anko Global CEO Arjun Puri.

Nakikipagtulungan din ang kumpanya sa mga developer tulad ng Ayala Land, Filinvest Land, Rockwell Land at Araneta Group para sa pagpapalawak ng negosyo.

Ayon sa Anko, inaasahan ding makalikha ng mga bagong trabaho ang pagbubukas ng mga tindahan. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles