Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

GDP growth ng Pilipinas itinaas sa 2.4%, pero pinakamabagal pa rin mula pandemya

Itinaas ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa 2.4 porsiyento mula 2.3 porsiyento ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas noong ikalawang quarter ng 2026.

Gayunman, ito pa rin ang pinakamabagal na paglago mula noong unang quarter ng 2021, nang lumiit ang ekonomiya ng 3.8 porsiyento dahil sa COVID-19 pandemic.

Mas mabagal din ito kumpara sa 5.5 porsiyento noong kaparehong quarter ng 2025 at 2.8 porsiyento noong unang quarter ng 2026.

Ayon sa PSA nitong Biyernes, November 6, itinaas ang GDP estimate matapos baguhin ang datos sa wholesale at retail trade, na lumago ng 4.7 porsiyento mula 4.6 porsiyento.

Inamyendahan din ang paglago ng agrikultura sa 2.9 porsiyento mula 2.7 porsiyento, at transportasyon sa 4.1 porsiyento mula 3.8 porsiyento.

Sa kabila nito, nanatili sa 2.6 porsiyento ang GDP growth sa unang anim na buwan ng taon, mas mababa sa 3.5 hanggang 4.5 porsiyentong target ng pamahalaan para sa 2026.

Ilalabas ng PSA sa Lunes, November 9, ang opisyal na GDP figures para sa July hanggang September. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles