Ginawaran ng Department of Energy (DOE) ng E-Mobility Infrastructure Excellence Award ang ACMobility ng Ayala Group dahil sa pagtatayo nito ng pinakamalaking pampublikong electric vehicle (EV) charging network sa Pilipinas.
Iginawad ang pagkilala sa kauna-unahang Philippine Energy Awards ng DOE.
Sa kasalukuyan, may mahigit 240 charging locations at 600 charge points ang ACMobility sa buong bansa.
Batay sa datos ng DOE hanggang katapusan ng June 2026, mahigit 40 porsiyento ng EV charging infrastructure sa Pilipinas ang hawak ng kumpanya.
Kabilang sa mga pasilidad nito ang AC chargers at DC fast chargers na matatagpuan sa mga pangunahing lungsod at destinasyon, at maaaring gamitin ng mga compatible na electric vehicle.
“This recognition belongs to the teams within ACMobility and our external partners who have been working hard to make EV charging accessible where Filipinos live, work, and travel,” ani ACMobility Head of Mobility Infrastructure Carla Buencamino.
Ayon sa kumpanya, patuloy nitong palalawakin ang charging network upang suportahan ang lumalaking paggamit ng electric vehicles sa bansa.
Ang Philippine Energy Awards ay ginanap kasabay ng ASEAN Energy Awards bilang bahagi ng Philippine Energy Innovation Forum (PEIF), na kumikilala sa mga natatanging lider, innovation at kontribusyon tungo sa mas ligtas, matatag at sustainable na suplay ng enerhiya sa bansa. /Bistado


