Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Gasolina, tataas ng P3.50 kada litro; diesel, kerosene bababa, LPG magmamahal!

Malaking dagdag-presyo sa gasolina ang sumalubong sa mga motorista ngayong Martes, November 3, matapos itaas ng P3.50 kada litro ang presyo nito, habang bababa naman ang diesel at kerosene, ayon sa Department of Energy (DOE).

Batay sa fuel price advisory para sa November 3 hanggang 9, tataas ng P3.50 kada litro ang lahat ng pangunahing uri ng gasolina, kabilang ang RON 91, RON 95 at RON 97.

Samantala, bababa ng P1 kada litro ang diesel at diesel plus, habang P1.90 kada litro naman ang bawas sa kerosene.

May dagdag-presyo rin sa liquefied petroleum gas (LPG) ngayong November, na maaaring umabot sa P4.35 kada kilo o P47.85 para sa karaniwang 11-kilogram na tangke.

Ayon sa DOE, nakabatay ang mga pagbabago sa galaw ng pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang mga pangyayaring may epekto sa suplay at presyo ng petrolyo sa Middle East. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles