Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

AWOL na pulis, timbog sa buy-bust sa Cagayan de Oro

Arestado ang isang Police Corporal na absent without official leave (AWOL) at itinuturing na high-value drug personality matapos mahuli sa buy-bust operation sa Cagayan de Oro City noong Huwebes, October 22.

Isinagawa ang operasyon sa NHA, Barangay Kauswagan, kung saan nadakip ang pulis at isa pang indibidwal.

Nakumpiska sa operasyon ang humigit-kumulang 0.64 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,352. Isinailalim na sa forensic examination ang nasamsam na droga.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), dati nang nagpositibo sa shabu at marijuana ang naturang pulis sa random drug test noong September 21.

Dahil dito, inilipat siya sa Regional Personnel Holding and Accounting Section simula October 2 habang nagpapatuloy ang administrative proceedings laban sa kanya.

Nahaharap din ang pulis sa mga kasong administratibo para sa Conduct Unbecoming of a Police Officer at Grave Misconduct, na parehong nasa pre-charge investigation.

May hiwalay pa siyang kasong Grave Neglect of Duty dahil sa matagal at hindi awtorisadong pagliban sa serbisyo. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles