Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

17 bahay, motorboat natupok sa 2 magkahiwalay na sunog sa Zamboanga

Umabot sa P3.3 milyon ang pinsala sa dalawang magkahiwalay na sunog sa Zamboanga City na tumupok sa 17 bahay at isang motorboat mula Miyerkules ng gabi hanggang Huwebes ng madaling-araw, October 29.

Unang nasunog ang motorboat sa isang private wharf sa Barangay Baliwasan bandang 9:02 p.m. noong Miyerkules habang may kargang 200 galon ng gasolina.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), P500,000 ang pinsala, habang isang crew member ang nasugatan at tatlo ang nakaligtas matapos tumalon sa dagat.

Iimbestigahan ni Mayor Khymer Olaso at ng Philippine Coast Guard kung sino ang nagpahintulot sa pagkakarga ng gasolina sa motorboat sa kabila ng pagbabawal dito.

Samantala, 17 bahay ang naabo sa Purok 7, Sitio Villa Sta. Maria, Barangay Sta. Maria matapos sumiklab ang sunog bandang 1:16 a.m. nitong Huwebes.

Umabot sa P2.8 milyon ang pinsala, habang isang indibidwal ang nagtamo ng first-degree burn.

Ayon kay BFP Fire District Marshal Supt. Leo Pioquinto, nakontrol ang sunog bandang 2:04 a.m. at tuluyang naapula nang 4:20 a.m.

Nawalan ng tirahan ang 17 pamilya o 73 indibidwal, ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO).

Inihahanda na ang relief assistance para sa mga apektadong pamilya habang iniimbestigahan ang sanhi ng dalawang sunog. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles