Target ng Commission on Elections (Comelec) na mailabas bago matapos ang 2026 ang resulta ng imbestigasyon sa umano’y pre-shaded ballots sa September 14 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, kailangang matukoy ng investigating panel kung sino ang dapat kasuhan, kung may probable cause, at paano nangyari ang mga umano’y iregularidad.
“We told our panel of investigators, before the end of the year, we need to know… who will be charged, is there probable cause, how did it happen, where was it done, who did it, and at the same time, what policy changes do they want to recommend to the Commission En Banc,” ani Garcia.
Naglabas na ng karagdagang subpoenas sa mga miyembro ng electoral boards, habang nakapagsumite na ng sagot ang mga naunang pinadalhan nito.
Susuriin din ng investigating team ang mga balota sa bawat ballot box para matukoy kung may pattern sa pagkakashade.
Kasama sa imbestigasyon ang mga alegasyon ng voter intimidation at iba pang iregularidad sa botohan.
Samantala, suspendido ang trabaho sa lahat ng Comelec offices sa October 30, 31 at November 2 dahil sa Undas at inaasahang trapiko kaugnay ng ASEAN Summit.
Sa mga petsang na ito, pansamantalang hindi available ang pag-isyu ng voter certification at ang onsite overseas voter registration. /Bistado


