Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

UP, No. 1 university pa rin sa bansa; 45 PH schools pasok sa QS Asia rankings

Nanatiling nangungunang unibersidad sa Pilipinas ang University of the Philippines (UP) sa 2027 QS World University Rankings: Asia, habang umakyat sa 45 mula 35 ang bilang ng mga paaralang Pilipinong nakapasok sa listahan.

Nakuha ng UP ang ika-123 puwesto sa Asia, bagaman bumaba mula sa ika-104 noong nakaraang taon.

Sumunod ang Ateneo de Manila University (151), University of Santo Tomas (202) at De La Salle University (204).

Kasama rin sa top 10 sa Pilipinas ang Mapúa University (494), Adamson University (509), University of San Carlos (549), Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (678), Silliman University (741–750) at Polytechnic University of the Philippines (751–760).

Sa 35 unibersidad na dating nasa listahan, 24 ang bumaba sa ranggo, walo ang nanatili at tatlo lamang ang umangat.

Dalawa na lamang ang unibersidad ng Pilipinas sa top 200 ng Asia, kumpara sa apat noong nakaraang taon.

Sa kabuuan, 1,722 unibersidad mula sa 26 higher education systems ang sinuri ng QS, kung saan nanguna ang University of Hong Kong, Peking University at Tsinghua University. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles