Kabanata 78: Bagong umaga
Hindi pa sumisikat ang araw nang magising ang safe house.
Hindi sa ingay.
Kundi sa galaw.
May mga yapak sa hallway. May mahinang usapan sa radyo. May kumukulong kape sa maliit na kusina.
Nasa may sala si Ariel, nakaharap sa laptop. May mapa ng Washington, DC sa screen. Nasa tabi niya si Vega, nakatayo, hawak ang tablet.
“Three routes,” sabi ni Vega. “One decoy northbound. One medical convoy. One clean route to the capital residence.”
“Brennan chatter?” tanong ni Ariel.
“Quiet.”
Napatingin si Ariel.
“Too quiet.”
Tumango si Vega.
“Exactly.”
Sa may hagdan, nakatayo si Jiro.
Hindi siya agad nagsalita.
Pinanood lang niya ang ama.
Hindi na ito yung lalaking niyakap siya sa restaurant.
Hindi na rin ito yung lalaking nag-abot ng Rimowa luggage sa La Vista.
Ito ang Ariel Rueda na binabantayan ng mundo.
At ngayon, naiintindihan ni Jiro kung bakit.
“Gising ka na,” sabi ni Ariel, hindi lumilingon.
Napakurap si Jiro.
“Paano niyo po nalaman?”
“Reflection sa screen.”
Napangiti si Jiro.
“Parang spy movie talaga.”
Lumapit si Ariel. Ngumiti siya, pero pagod ang mata.
“Unfortunately, hindi movie.”
Tumahimik si Jiro.
Nagsisi agad sa biro.
Lumapit si Ariel at marahang hinawakan ang balikat niya.
“Anak, hindi kita tinatakot. Pero simula ngayon, kailangan mong matuto.”
“Matuto ng ano?”
“Magbasa ng kwarto. Magbasa ng mukha. Magbasa ng panganib bago pa ito lumapit.”
Napatingin si Jiro kay Vega.
“May training po ba ’yan?”
Sumagot si Vega, seryoso.
“Meron.”
Napalingon si Jiro kay Ariel.
“Ngayon?”
“Ngayon,” sagot ni Ariel.
Sa likod nila, biglang bumaba si Esther na nakabalot pa sa cardigan.
“Ano na naman ang ngayon?”
“Basic awareness,” sagot ni Vega.
Napakurap si Esther.
“Awareness? Hindi ba pwedeng almusal muna bago awareness?”
Natawa si Jiro.
Maging si Claire, na kararating lang sa sala, napangiti.
“May punto si Esther,” sabi ni Claire. “Kape muna bago digmaan.”
Saglit na gumaan ang hangin.
Pero hindi nagtagal.
Biglang nag-vibrate ang tablet ni Vega.
Tumigas ang mukha niya.
“Sir.”
Napatingin agad si Ariel.
“What?”
“May message.”
“From?”
Natigilan saglit si Vega.
“Unknown source. But routed through an old Brennan channel.”
Tahimik.
Binuksan ni Vega ang screen.
Isang larawan.
Hindi ng Scarsdale.
Hindi ng safe house.
Kundi ng Tatalon.
Isang eskinita.
Isang maliit na bakery.
At sa harap nito, nakatayo si Nicole.
May hawak na cellphone.
Walang kamalay-malay.
Nanigas si Jiro.
“Nicole…”
Biglang nanlamig ang mukha ni Claire.
Sa ilalim ng larawan, may isang linya.
NO PLACE IS FAR ENOUGH.
Hindi makahinga si Jiro.
“Pa…”
Humakbang palapit si Ariel sa screen.
Tahimik siya.
Sobrang tahimik.
Mas nakakatakot kaysa sigaw.
“Vega.”
“Already tracing.”
“Now.”
“Yes, sir.”
Napatingin si Jiro kay Ariel.
“Paano nila nalaman si Nicole?”
Walang sumagot agad.
Dahil alam nilang lahat ang ibig sabihin.
Pinag-aralan na siya.
Hindi lang siya.
Pati ang dati niyang mundo.
Pati ang mga taong mahalaga sa kanya.
Napahawak si Claire sa kamay ni Jiro.
“Hindi nila siya gagalawin,” sabi niya.
Pero hindi iyon pangako.
Dasal iyon.
Tumingin si Ariel kay Vega.
“Activate Manila shield.”
“Already moving.”
“Christian?”
“Contacting Monching.”
“Esther’s Tatalon contacts?”
“Under protection within the hour.”
Nakatitig lang si Jiro sa larawan.
Nicole.
Yung tindera.
Yung humalik sa pisngi niya.
Yung nagsabing, “Wag kang magbago ha.”
Napahigpit ang kamao niya.
“Pa…”
Napalingon si Ariel.
“Turuan niyo ako.”
Tahimik ang sala.
“Turuan niyo ako kung paano hindi maging mahina.”
Hindi agad sumagot si Ariel.
Tumingin siya kay Claire.
May sakit sa mukha nito.
Pero hindi siya pumigil.
Dahan-dahang lumapit si Ariel sa anak.
“Hindi lakas ang unang kailangan mo.”
“Ano po?”
“Kontrol.”
Huminga nang malalim si Jiro.
Tumango.
Sa labas, unti-unting sumisikat ang araw sa Washington.
Pero sa loob ng safe house, wala nang inosenteng umaga.
Dahil ngayon, hindi na lang si Jiro ang target.
Pati ang mundong iniwan niya sa Tatalon. /Itutuloy sa susunod na kabanata


