Kabanata 63: Handa na
Mabilis dumating ang hapon.
Sa bahagi ni Claire, naayos na niya hindi lang ang mga papeles nina Jiro at Esther, kundi pati ang kanyang personal leave of absence sa Senado.
Sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, pinili niyang unahin ang pamilya.
Sa mansyon sa La Vista, nakatayo si Jiro sa veranda habang pinapanood ang papalubog na araw.
Maya-maya, isang itim na van ang pumasok sa gate.
Napangiti agad si Jiro.
“Pa!”
Napalingon si Ariel na kabababa pa lang ng sasakyan.
At nang marinig niya iyon, parang natigilan siya.
Pa.
Hindi sir.
Hindi Mr. Rueda.
Kundi Pa.
Bahagyang namuo ang luha sa mata niya.
“Anak,” sagot niya, sabay ngiti.
Lumabas si Claire, hawak ang tablet at ilang papel.
“Ready na ba ang lahat?” tanong ni Ariel.
Tumango si Claire.
“Passport, released. Visa, approved this afternoon.”
“I knew you could do it.”
Napangisi si Claire.
“Senador ako. Hindi ako beginner.”
Napatawa si Ariel.
“Kailan ang alis?” tanong ni Claire.
“Tomorrow. Seven PM.”
Napatingin si Claire sa kanya.
“E ang plane tickets?”
Saglit na natahimik si Ariel.
Pagkatapos, ngumiti.
“Plane tickets?”
Bahagya siyang natawa.
“We’re flying private.”
Nanlaki ang mata ni Jiro.
“Private jet talaga?”
“Oo,” sagot ni Ariel.
“Welcome to the rest of your life.”
Bumukas ang likod ng van.
Dalawang staff ang bumaba, bitbit ang malalaking kahon at makikintab na Rimowa luggage.
“Para sa inyo,” sabi ni Ariel.
Napatingin si Esther na kararating lang mula kusina.
“Sir, hindi na po kailangan—”
“Kailangan,” putol ni Ariel, nakangiti.
“At hindi pwedeng first trip to New York tapos grocery bag ang dala.”
Napatawa si Jiro.
May isa pang kahon.
Pagbukas, maayos na nakalagay ang mga damit, coat, sapatos, at sweater.
Napakunot ang noo ni Claire.
“Paano mo nalaman ang sizing?”
“Tinanong ng aide ko kagabi sa kanila nang hindi mo napansin.”
Napalingon si Esther.
“Kaya pala may nagtatanong sa akin ng shoe size!”
Napatawa si Jiro.
Mas magaan ang hangin ngayon.
Bukas ng alas-siete ng gabi, aalis na sila.
At habang nakatingin si Jiro sa mga maleta, sa mga bagong damit, at sa papalubog na araw sa La Vista, unti-unti niyang naramdaman.
Hindi na ito panaginip.
Nagsisimula na talaga ang bago niyang buhay. /Itutuloy sa susunod na kabanata


