Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Richard Gomez, “nabanas” sa yabang at angas ni Cong. Leviste

Kahit wala pang anumang pahayag ang dating showbiz matinee idol at ngayo’y Leyte Fourth District Representative na si Richard Gomez, marami ang naniniwala sa naging pahayag ng kapwa representative nitong si Janette Garin.

May kinalaman nga ito sa isyu pa rin sa pagitan nina Batangas First District Representative Leandro Leviste at Executive Secretary Ralph Recto, kasama na ang pamilya nitong nasa public service din.

Sa naging panayam ng DZMM teleradyo kay Garin na Iloilo First District Representative noong Miyerkules, Mayo 6, 2026, naikuwento nito ang kanyang personal na nasaksihan sa pagitan nina Gomez at Leviste.

Ayon dito ay nakita niyang galit na galit at tila nagpipigil lamang umano si Gomez pagkatapos ng ginawang privilege speech sa Kongreso ni Leviste kung saan binanatan nga nito ng husto si Executive Sec. Recto.

Sa naging obserbasyon daw ni Garin ay namataan nitong nagpipigil lang ang kilalang aktor sa mga narinig lalo’t may mga akusasyong binitawan ang batang Kongresista laban umano sa mga “vote buyers” na mga Kongresista.

May mga pagkakataon pa daw na nakita niyang tinangka ni Leviste na lapitan si Gomez after nitong mag-speech.

Ayon kay Cong. Garin sa naturang interview, “Nilalapitan niya [Leviste] so umiiwas [si Gomez]. Nilalapitan niya. Parang he was amused kasi bakit daw napikon?

“Kaya ang sabi ko [kay Leviste], ‘Huwag mong lapitan, baka masuntok ka niyan.’

“Nagpipigil, e, kitang-kita mo na pigil na pigil lang si Goma.

“Siyempre, sabihan ka ba naman ng mga alegasyon at akusasyon, although binawi nga niya [Leviste] after siyang punahin ni Rep. Leila de Lima.”

Ayon naman sa napag-alaman ng BISTADO mula sa ilang mga kasama ni Gomez sa Kongreso, gawain daw talaga ng batang Leviste ang mambuska ng kapwa Mambabatas.

Parang naturalesa umano nito ang lalong mang-inis kapag may nakikitang tila apektado sa kung anumang ipinahahayag niya sa plenaryo.

“Kulang sa pansin, isip bata, may pagka-krung-krung kumbaga sa showbiz,” hirit pa ng mga kausap ng BISTADO.

“Kilala naman natin si Goma kahit noong nasa showbiz siya na madali ding mapikon. Napaka-transparent niyan at very passionate na tao iyan kaya siguro sa sobrang angas at yabang noong Leviste, hindi nito naiwasang magpakita din ng kanyang reaksyon,” dagdag pa nila.

Sa kuwento pa rin ni Garin, ipinaliwanag umano ni Leviste kalaunan na nais lamang nitong linawing “biro lang” ang ilang pahayag niya kaya’t pinayuhan daw niya si Leviste na palamigin muna ang sitwasyon upang hindi na ito lumala.

“Sabi niya, kaya siya lumalapit because he wanted to tell na, ‘Hindi, joke lang yun.’

“Pero nangyari na, e. Kaya sabi ko, ‘Let things cool down kasi siyempre kapag galit yung tao, tapos pupuntahan mo pa, iinisin mo pa, lalong lalala yan. There has to be proper decorum.’

Marami namang showbiz friends at mga fans ni Goma ang humanga sa aktor-pulitiko dahil ginawa daw nito ang tama at nagpakita ng higit na edukasyon at pagsunod sa wastong protocol bilang isang mahusay na Mambabatas.

Hirit pa ng mga fans ni Goma, “alin, kung nasa showbiz iyang Leviste na iyan, baka hindi lang hollow blocks ang ibinalibag diyan ni Goma.”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles