Umabot na sa P10.44 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa agrikultura dahil sa El Niño, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Apektado ang mahigit 338,000 magsasaka at mangingisda at mahigit 332,000 ektaryang sakahan sa iba’t ibang rehiyon. Napinsala ang palay, mais, kamoteng kahoy, high-value crops at mga alagang hayop.
Ayon sa DA, umabot na sa P18.64 bilyon ang naipagkaloob na tulong, kabilang ang financial assistance, binhi, pataba at crop insurance.
Inaasahang magpapatuloy ang napakalakas na El Niño hanggang unang kalahati ng 2027 at posibleng umabot sa rurok bago matapos ang taon, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Patuloy na minomonitor ng DA ang pinsala at epekto nito sa produksiyon. /Bistado


