Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Barrier-less system sa lahat ng expressway, susubukan sa December

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Transportation (DOTr) at Toll Regulatory Board (TRB) ang pilot testing ng barrier-less system sa lahat ng expressway bago matapos ang taon.

Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, nakatakda sa December ang pagsubok sa sistemang walang harang sa toll gates.

Inatasan na niya ang lahat ng toll operator na ihanda ang kanilang toll systems para sa maayos na pilot launch.

Sinabi ni Dizon na inaasahang makatitipid sa oras at gasolina ang mga motorista dahil mas bibilis ang pagpasok at paglabas ng mga sasakyan sa toll gates. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles