Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pinas tutok sa dagdag agri exports sa Canada, Brazil

Puntirya ng Pilipinas na makapagbenta ng mas maraming produktong agrikultura sa Canada at Brazil habang pinatitibay ang suplay ng inaangkat na pagkain, partikular ang karne.

Ito ang tinalakay ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa magkahiwalay na pulong kay Canadian Prime Minister Mark Carney at Brazilian President Luiz Inácio Lula da Silva sa sidelines ng 49th ASEAN Summit.

Sa Canada, pinag-usapan ang mga oportunidad mula sa isang free trade agreement na sasaklaw sa agrikultura, manufacturing, semiconductors at iba pang sektor, pati ang teknolohiyang magagamit sa modernisasyon ng lokal na produksyon.

“Maaasahang partner sa kalakalan ang Canada, at nais nating palawakin ang agricultural exports natin doon. Tinalakay namin ang mga produktong maaari nating i-suplay sa kanilang merkado, gayundin ang mga teknolohiyang maaari nating matutunan mula sa kanila,” ani Tiu Laurel.

Sa Brazil naman, kabilang sa mga posibleng iluwas ang tabako, sardinas, tuna, bangus at ube. Ayon sa kalihim, malaking potensyal na merkado ang populasyon nito para sa mga produktong Pilipino.

Isa ang Brazil sa pangunahing pinagkukunan ng Pilipinas ng baka para sa corned beef, baboy at manok.

Nagpahayag umano ng pangamba ang mga opisyal nito sa 60-araw na restriksiyon ng Pilipinas sa piling pork imports. Gayunman, nauunawaan daw nilang pansamantala itong hakbang para tulungang makabangon ang lokal na industriya ng baboy.

Sinabi ni Tiu Laurel na nais ng Pilipinas na ipagpatuloy ang kalakalan matapos ang restriksiyon. Hinikayat din niya ang Brazil na bumili ng mas maraming produktong agrikultura mula sa bansa.

Tinalakay din sa summit ang seguridad sa pagkain, suplay ng pataba, gastos sa enerhiya at mga posibleng pagkaantala sa suplay. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles