Pinagtibay ng ASEAN at United States ang 10 prinsipyo sa pagtutulungan ng gobyerno at pribadong sektor, kasama ang komprehensibong plano laban sa online scams.
Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ASEAN-US Special Summit sa Manila nitong Martes. Ayon sa kanya, tinapos ng mga opisyal ng magkabilang panig ang mga hakbang bago dumating si US President Donald Trump.
“That is an immediate result of this special summit between ASEAN and the United States,” ani Marcos.
Dumalo si Trump sa pagtitipon na bahagi ng pagho-host ng Pilipinas sa 49th ASEAN Summit and Related Meetings.
Sa pagsalubong kay Trump, binanggit din ni Marcos ang ika-80 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Pilipinas at US ngayong taon.
Saklaw naman ng mas malawak na ASEAN-US partnership ang kalakalan, pamumuhunan, teknolohiya at seguridad. Sa susunod na taon, gugunitain ng dalawang panig ang 50 taon ng kanilang dialogue relations at ikalimang taon ng Comprehensive Strategic Partnership. /Bistado


