Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Pag-IBIG may pa-promo, hanggang P50K ang papremyo!

Aabot sa 540 cash prizes na nagkakahalaga ng hanggang P50,000 bawat isa ang ipamimigay ng Pag-IBIG Fund sa dalawang raffle promo para sa mga Multi-Purpose Loan (MPL) borrower, fund coordinator at employer representative.

Ayon sa Pag-IBIG nitong Martes, November 10, may 270 mananalo sa bawat raffle draw, na may papremyong P50,000, P25,000, P15,000 at P5,000.

Gaganapin ang unang draw na Pag-IBIG AnniverSWERTE! sa December 14, kasabay ng ika-46 na anibersaryo ng ahensya. Kasama rito ang mga MPL application na naaprubahan mula November 1 hanggang 30, 2026.

Ang ikalawang draw na Panalo sa Pag-IBIG! ay sa February 14, 2027, para naman sa mga loan application na naaprubahan mula December 1, 2026 hanggang January 31, 2027.

Sa ilalim ng Loan to Win promo, awtomatikong magkakaroon ng raffle entry ang miyembrong maaprubahan ang MPL. May dagdag na entries ang first-time borrowers, mga nagre-renew ng loan at mga nag-a-apply sa Virtual Pag-IBIG na may online certification ng employer.

Sa Hatid Pana-Loan, pwede ring manalo ang fund coordinators at employer representatives na tumutulong sa mga empleyadong maaprubahan ang kanilang loan.

Maaaring umutang ang mga kwalipikadong miyembro ng hanggang 90 porsiyento ng kanilang kabuuang Regular Savings, na babayaran sa loob ng isa, dalawa o tatlong taon.

Ayon kay Pag-IBIG Fund CEO Marilene Acosta, maaaring gamitin ang MPL sa pagpapagawa ng bahay, pag-aaral ng mga anak, gastusing medikal at maliit na negosyo.

Hindi na kailangang magparehistro nang hiwalay para sa raffle dahil awtomatikong magkakaroon ng entries ang mga kwalipikadong kalahok.

Aabisuhan ng Pag-IBIG ang mga mananalo sa pamamagitan ng opisyal nitong communication channels. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles