Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Na-luxury check si madam, pa-love-love ang sagot?

Napa-zoom ang mga kabisto sa Reddit matapos kumalat ang isang compilation ng umano’y designer outfits ng isang babaeng gobernador. Ang dating simpleng tingin sa suot ni madam, nauwi sa tanungan tungkol sa kanyang marangyang porma.

Ay, hindi fashion award ang inabot. Luxury check!

Pero mas pinag-usapan ang sumunod na eksena.

Sa isa pang thread, pinuna ng commenters ang tugong iniuugnay kay ategurl. Ayon sa kanilang mga komento, napunta raw sa biro tungkol sa pilikmata at panawagang magpakalat ng pagmamahal, hindi galit, ang sagot sa batikos.

Ang tanong, tungkol sa luxury wardrobe. Ang sagot, pang-inspirational caption?

Hindi kumbinsido ang ilang kabisto. May nagtanong kung paano tumutugma ang mga designer item sa kanyang kita. May humirit din ng lifestyle check at pagsasapubliko ng SALN, ang deklarasyon ng ari-arian, utang, at net worth ng mga opisyal.

Hindi rin puro fashion review ang laman ng unang post. Ipinunto nito ang probisyon sa batas tungkol sa simpleng pamumuhay. Sa Republic Act 6713, inaasahang mamuhay nang naaayon sa posisyon at kita ang mga opisyal at kanilang pamilya, at umiwas sa magarbo o mapagpasikat na pagpapakita ng yaman.

Pero teka, mga kabisto. Hindi resibo ng pagnanakaw ang litrato ng branded na damit. Hindi nito napapatunayan kung magkano ang aktuwal na binayad o saan nanggaling ang ipinambili.

Ang malinaw, hindi rin nawawala ang tanong dahil lang nilagyan ng pa-love-love ang sagot.

Clue? Dati siyang humahawak ng mikropono para magbalita. Ngayon, nasa kapitolyo na at siya naman ang laman ng usapan.

Sa outfit, pwedeng statement piece. Sa paliwanag, sana may laman din ang statement.

Yun na. Bistado!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles