Miss n’yo na ba ang impeachment serye? Balik-eksena na sa November 9 ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ang ilang linggong pahinga!
Inilabas ng Senate Impeachment Court ang iskedyul ng pagpapatuloy ng paglilitis, na huling nagkaroon ng pagdinig noong October 13.
Sa Lunes, November 9, magsisimula ang trial ng 10 a.m., habang maaaring magdaos ng sesyon ng Senado sa hapon.
Buong araw naman ang paglilitis sa November 10, 12, 13, 19 at 20, mula 10 a.m. hanggang 6:30 p.m.
Sa November 11, magsisimula rin ang pagdinig ng 10 a.m., na may posibilidad ng Senate session sa hapon.
Samantala, hanggang 2 p.m. lamang ang nakatakdang trial sa November 23, simula 10 a.m.
Batay sa advisory na may petsang October 13, ang iskedyul ay inilabas sa utos ng Presiding Officer ng Senate Impeachment Court at nilagdaan ni Clerk of Court Atty. Renato Bantug Jr. /Bistado


