Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Maricel Soriano, hinarangan ang ‘grand slam win’ ni Maris Racal

Maraming supporters ni young actress Maris Racal ang biglang nawalan ng pag-asa na makaka-iskor ng grandslam victory ang idol nila, nang sa katatapos lamang na FAMAS award, ay hindi nito napanalunan ang pinaka-hinihintay nitong Best Actress honors.

Nagbubunyi na sana ang lahat ng tawagin ang name ni Maris sa hanay ng mga Best Actress nominees sa katatapos na FAMAS award ceremony last Tuesday night, pero ang naturang victory pala ay bilang “pagkilala” lamang o “with distinction” para sa naturang kategorya.

Si Maricel Soriano ang hinirang na Best Actress sa FAMAS para sa kanyang role sa Meet, Greet, Bye movie.

Sa katatapos lang na Star Awards ay nag-tie sila ni Maris for Best Actress, habang inisnab naman siya ng URIAN awards dahil kahit nomination ay hindi niya nakuha.

Sa URIAN ay naka-tie ni Maris si Odette Khan for Bar Boys gayung sa Star Awards ay sa Best supporting Actress category ito inilagay, pero tinalo siya ni Sylvia Sanchez.

Sa Gawad Pasado naman ay naka-tie ni Maris si Charo Santos para sa Only We Know. Nominated din si Maricel sa same category at movie na Meet, Greet, Bye, oeri tinalo siya doon.

Same with EDDYS Award kung saan tinalo silang lahat ni Maris.

“It could have been Maris’ year. Bukod sa mga “ties” niya with other Best, siya na talaga sana ang most possible to score a grand slam.  Sayang na-spoil ni Maricel,” sigaw ng mga umaasang makukuha ni Maris ang FAMAS trophy.

Meanwhile, bigla ding naglabas ng official statement ang FAMAS dahil marami nga ang nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng “distinction award” na kanilang ipinagkaloob sa young actress.

Ayon sa kanilang statement, “the awards given to Maricel Soriano and Maris Racal at the 74th FAMAS Awards are not competing honors or a tie.” 

Nanalo si Soriano dahil nire-recognize ng FAMAS ang endurance excellence ng aktres sa mga nagawa na din nitong movies over decades.

Samantala, ibinigay naman kay Racal ang Actress of Distinction award (or Best Actress with Distinction) for her role in “Sunshine,” which honors an exceptional, singular performance marked by depth, originality, and emotional conviction independent of cumulative career achievements.

Dagdag pa ng statement, “No Superiority. The two recognitions do not measure one actress as superior to the other. The distinction does not diminish the achievements of either artist. FAMAS concluded that both artists represent vital dimensions of Philippine cinema and are equally “Pang-FAMAS

Dahil diyan ay nakakatanggap ng matinding bashing ang FAMAS dahil kung ganun daw ang patakaran, eh di dapat daw si Racal ang higit na dapat tawaging Best Actress dahil iisang movie ang pinag-uusapan at hindi “body of work” ni Soriano na dinedepensa ng grupo.

“Kaya nga of the year eh dahil kung ano lang yung in competition mong entry, dun ka lang dapat na i-judge? Bakit pati yung previous work mo ay isasama? Dahil kung ganun, si Soriano dapat ang binigyan ng naturang Distinction?, ” komento pa ng netizen.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles