Sa naging panayam sa guwapong aktor na si Donny Pangilinan ay tinuran nitong hindi siya na-offend kundi nakaramdam ng “awkwardness” matapos ngang ipagmalaki ni It’s Showtime Baby Dolls member Juby Sabino, ang naging “pantasya”niya sa aktor.
Sa last October 18 episode ng GGV o Gandang Gabi Vice , ibinahagi ni Juby na hindi naman daw niya talaga “crush na crush” ang matangkad at gwapong aktor, pero after daw niya itong “makaniig” sa kanyang panaginip, “parang inilusyon na niya ito.”
Sa panayam ni TV Patrol reporter MJ Felipe kay Donny, tinuran ng aktor na hindi siya nagkaroong anumang personal na pagka-offend sa naturang remark at kuwento ni Juby.
Subalit ipinag-diinan ni Donny na sana daw ay may natutunan ang mga babaeng nagbabahagi on national television ng mga gayang “ilusyon o pantasya” sa mga lalaki.
Mayroon umanong tamang venue at palabas upang pag-usapan ang mga ganun dahil sa totoong buhay naman daw talaga ay may mga kagayang pangyayari na nagaganap.
“I felt awkward. Aside from we both came from the same network, magku-krus at magku-krus ang mga landas namin. Awkward lang na may ganun, though hindi din naman dapat ikahiya, much more, ipagmalaki pa?,” saad pa ni Donny.
Nauunawaan din daw ni Donny na normal din ang natatanggap na backlash ng naturang insidente mula sa mga bashers o kritiko na naniniwala sa mga usaping boundaries, objectification, and double standards.
Ang tanong-reaksyon pa rin kasi ng mga nakapanood ay kung magkakaroon din kaya ng parehong reaksyon ang madla kung mga babaeng celebrities ang gagawing subject o sagot ng joke o ng fantasy questions?
“Good thing, educated si Donny. He knows how to handle such. Makikita mo yung maturity niya sa pananaw na ganyan, pero dahil may kultura nga tayong mga lalaki ang madalas na gumagawa ng ganyan, “awkward” nga kapag galing ito sa isang babae,” susog pa ng ilan.


