Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

3 oras tengga sa tarmac? Pasahero dapat pababain, ayon sa CAB

Inatasan ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang mga airline na magsimulang magpababa ng pasahero kapag umabot sa tatlong oras ang pagkakatengga ng eroplano sa tarmac, maliban sa ilang pinapayagang sitwasyon.

Para sa paalis na flight, nagsisimula ang bilang sa pagsara ng pinto ng eroplano. Sa paparating na flight, mula ito sa paglapag.

Maaaring hindi muna magpababa kung may panganib sa kaligtasan o seguridad, aberyang iniulat ng air traffic o ramp ground control, o walang angkop na lugar na matutuluyan ng mga pasahero.

May eksepsiyon din kung inaasahang makaaalis ang eroplano sa loob ng 30 minuto matapos ang tatlong oras na paghihintay.

Habang naghihintay, dapat magbigay ang airline ng sapat na pagkain, maiinom na tubig, gumaganang palikuran, maayos na air-conditioning at tulong medikal kung kailangan.

Obligasyon din ng piloto na magbigay ng napapanahon at tumpak na abiso tungkol sa pagkaantala.

Nakasaad ang mga patakaran sa amended Air Passenger Bill of Rights at Tarmac Delay Contingency Plan sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 1, series 2023. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles