Hindi nakaporma sa Barangay Ginebra ang kapatid na San Miguel Beer upang makamit ang dominanteng 126-99 panalo nitong Biyernes at mapalapit sa pagpasok sa semifinals ng PBA Season 50 Governors’ Cup.
Nagtala si Jordan Murphy ng 33 puntos, 10 rebounds at siyam na assists upang pangunahan ang Ginebra sa Game 2 ng kanilang best-of-five quarterfinals sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
Umasa ang Gin Kings sa sunod-sunod na three-point shots sa unang bahagi ng laro upang walang kahirap-hirap na sundan ang 104-95 panalo sa Game 1.
Gaganapin ang Game 3 sa Martes, alas-7:30 ng gabi, sa City of Dasmariñas Arena sa Cavite. Mauuna rito ang sagupaan ng Converge at Rain or Shine na magtatangkang putulin ang tabla sa kanilang serye alas-5:15 ng hapon.
Limang sunod na beses nang pinatalsik ng Ginebra ang San Miguel sa kanilang mga paghaharap sa Governors’ Cup playoffs.
“Everyone is as surprised about this as I am. We didn’t even dream that we would be able to get out 1-1, much less 2-0,” pahayag ni Ginebra coach Tim Cone.
“We’re definitely on a roll. Our offense is clicking and guys are locked in defensively. We’re just trying to keep the pressure on San Miguel, keep attacking and keep going at ‘em, and so far, it’s working.”
Nagdagdag si RJ Abarrientos ng 22 puntos, habang may 19 naman si Stephen Holt. Kapwa sila tumipa ng limang three-point shots mula sa kabuuang 16 triples ng Gin Kings.
Nagtala rin si Scottie Thompson ng 12 puntos at nanguna sa koponan sa assists matapos mamahagi ng 11 sa kabuuang 32 assists ng Ginebra.
Nanguna si CJ Perez sa San Miguel sa naiskor na 18 puntos. Ito ang pinakamabigat na pagkatalo ng Beermen mula nang yumukod sila sa Ginebra, 92-121, sa Game 5 ng best-of-seven semifinals noong nakaraang Governors’ Cup.
Nagdagdag si Jerrick Ahanmisi ng 17 puntos, habang bumawi naman si June Mar Fajardo mula sa tatlong puntos lamang sa Game 1 matapos kumamada ng 16 puntos at siyam na rebounds.
Limitado naman ang naging ambag ni George King, na nakapagtala lamang ng 13 puntos.
Sa ikalawang laro, naitabla ng Converge ang kanilang quarterfinal series kontra Rain or Shine matapos makamit ang 130-125 panalo at maipantay sa 1-1 ang serye.
Nakaharap muli ng FiberXers ang sitwasyong naranasan nila sa Game 1, kung saan maaga silang nakalamang ngunit hindi napanatili.
Subalit hindi na nila inulit ang pagkakamaling iyon. Sa halip, bumawi ang Converge upang maitabla ang serye matapos ang 124-120 panalo ng ROS sa Game 1.
Kumana si Cameron Clark ng 22 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists, tatlong steals at dalawang blocks. Tinuldukan niya ang kanyang mahusay na laro sa pamamagitan ng dalawang mahalagang free throws at isang interception sa huling 2:26 ng laban, nang kumawala ang Converge mula sa tabla sa 120-120.
“It was a complete team effort. We played to our advantage throughout the game, we stayed composed,” pahayag ni ace guard Juan Gomez de Liaño, na nagtala ng 20 puntos, pitong rebounds at walong assists upang tanghaling Player of the Game.
“First game was kinda like a wakeup call sa amin (for us). We don’t want to let that happen again. We were up by 21 and let it go away that easily. I’m glad nakabawi kami.”
Samantala, target ng defending champion TNT at top eliminations team na NLEX na tapusin ang kanilang quarterfinal series sa Sabado, sa Ninoy Aquino Stadium din.
Makakaharap ng NLEX ang Phoenix alas-5:15 ng hapon sa hangaring maging unang koponang makapasok sa semifinals matapos manalo sa unang dalawang laro, 97-92 at 124-117.
Susunod naman maghaharap ang TNT at Magnolia alas-7:30 ng gabi. Bitbit ng Tropang 5G ang momentum mula sa magkasunod na 92-70 at 91-73 panalo.
The scores:
First Game
GINEBRA 126 – Murphy 33, Abarrientos 22, Holt 19, Thompson 12, J.Aguilar 9, Go 7, Rosario 7, Torres 6, Gray 5, Abis 3, Pinto 3, Cu 0, Estil 0, R. Aguilar 0.
SMB 99 – Perez 18, Ahanmisi 17, Fajardo 16, King 13, Trollano 13, Cruz 9, Calma 6, Brondial 4, Lassiter 2, Ross 1, Hernandez 0, Teng 0, Mantua 0, Tautuaa 0, Cahilig 0.
Quarters: 34-24; 69-62;102-82; 126-99
Second Game
CONVERGE 130 – Clark 22, Gomez de Liano 20, Baltazar 18, Stockton 18, Abueva 13, Arana 12, Tungcab 11, Williams 10, Policarpio 4, Garcia 2, Concepcion 0, Santos 0.
RAIN OR SHINE 125 – Fuller 26, Clarito 22, Nocum 22, Tiongsson 17, Villegas 10, Cuajao 10, Lemetti 8, Caracut 6, Malonzo 4, Santillan 0.
Quarters: 37-30; 70-56; 95-93;130-125


