Humarap noong Oct. 31 sa mga kaibigan sa entertainment media ang ngayoý tinaguriang “Gen-Z Heartthrobs” na sina Kelvin Miranda, Anton Vinzon at Michael Sager.
At this early nga ay nagpasabog sila ng magandang balita na come 2027, nakatakda silang magkaroon ng kanilang major concert na gaganapin sa New Frontier Theater.
“It will be their kick-off concert bago namin sila dalhin sa abroad. Excited kaming pagsama-samahin ang tatlo sa masasabi naman talagang new generation of campus and socmed crushes, mga bagong iidolohing Gen Z- artists,” sambit ni Sir Deegee ng Happy Events by Deegee ang Production Company na siyang producer ng naturang show.
Sa official launch ng gaganaping concert ng tatlo come January 15, 2027, sisiguraduhin ng tatlo na hindi lang kagwapuhan ang ididisplay nila sa kanilang mga tagahanga, kundi ang kani-kanilang “lakas” pagdating sa music.
Ani Kelvin na matatawag na pinaka-beterano sa tatlo pagdating sa concert and singing scenes, “masayang makasama ang mga gaya nila na may pagmamahal sa pag-perform on stage. First time ko silang makakasama and for sure, marami din akong matututunan sa kanila. Hindi naman magkakalayo ang genre ng mga kanta o sayaw namin.”
Hirit naman ng bungisngis at madaldal na si Michael, “actually among the three of us, ako siguro yung late na natuto pagdating sa kantahan at sayawan. But I am a fast learner. Sabi nga ng mga nakarinig na din naman sa boses ko, pwede naman daw, kaya heto, lakasan na din lang ng loob.”
Segue ni Anton na at 18 years old ay nasanay naman daw sa klase ng musika ng kanyang amang action star na si Roi Vinzon na noo’y nagbabanda.
“May pagka-old soul po ako. My dad is a singer performer, yung ate ko din ay kumakanta kaya’t masasabi ko ding nasa pamilya din naman namin ang pag-perform. Medyo nakaka-pressure dahil concert na ito, pero sabi nga ni Michael, lakasan na lang ng loob,” saad pa ng binata.
Magkakaiba ang appeal nina Kelvin, Anton at Michael. Magkakaiba din ang kagwapuhan nila, pero one thing for sure na mayroon silang tatlo, ay ang talento sa sing-and dance and hosting na tiyak na makaka-engganyo ng mga fans at mga young at hearts para silaý suportahan.
Anila, kahit sa January 15 pa ito mangyayari, at this early ay kakaririn na nila ang pag-eensayo at pagpapakundisyon dahil nais daw nilang panindigan ang tawag sa kanilang “Gen-Z Heartthrobs.”


