Hanggang P16.80 kada litro ang posibleng ibaba ng presyo ng gasolina sa Martes, November 10, sa inaasahang malakihang rollback sa mga produktong petrolyo.
Batay sa Department of Energy at pinakahuling pagtataya sa industriya ng langis, maaaring makaranas ng malaking bawas-presyo ang mga motorista sa susunod na oil price adjustment.
Mas malaki ito sa naunang pagtayang hanggang P13.50 kada litro na rollback sa gasolina.
Gayunman, hindi pa pinal ang P16.80 na bawas-presyo at kailangan pang kumpirmahin ng mga kumpanya ng langis.
Inaasahang maglalabas ang mga oil company ng kani-kanilang opisyal na anunsyo bago ipatupad ang bagong presyo sa Martes. /Bistado


