Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

DepEd bibili ng 172,654 MacBook laptops para sa mga guro, kawani

Bibili ang Department of Education (DepEd) ng 172,654 Apple MacBook Neo laptops para sa mga public school teacher at kawani sa buong bansa, sa halagang humigit-kumulang P7.4 bilyon.

Ayon sa DepEd nitong Martes, November 3, natapos na ang competitive bidding para sa 169,008 laptops na ilalaan sa mga guro at 3,646 para sa administrative officers.

Nakatakdang ipamahagi ang mga laptop mula November 2026 hanggang March 2027.

Nasa P43,000 ang presyo kada unit, mas mababa ng P6,900 sa P49,900 retail price. Kasama na rito ang software, delivery, training at limang taong warranty.

Kinumpirma ni Apple CEO John Ternus na ito ang pinakamalaking education deal ng kumpanya para sa Mac computers.

“As one example, we recently secured our biggest education deal ever for Mac with the Department of Education in the Philippines,” ani Ternus.

Gumagamit ang MacBook Neo ng A18 Pro chip at may built-in security at all-day battery life.

Sa kabuuan, may kontrata na ang DepEd para sa 231,725 laptops para sa mga guro, kabilang ang 62,717 Windows-based units.

Katumbas ito ng halos isang laptop sa bawat apat na guro mula sa tinatayang 900,000 public school teachers sa bansa.

Mas mababa rin ng P15,300 ang presyo ng MacBook Neo kumpara sa P58,300 kada unit na binayaran noong 2021 para sa 39,583 laptops na kalaunan ay kinuwestiyon ng Commission on Audit dahil sa sobrang presyo at lumang processors.

Nauna namang pinuna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang mabagal na pamamahagi ng laptops sa mga guro.

“For the longest time, our teachers have carried the heavy personal burden of buying their own laptops or maintaining outdated equipment just to keep up with lesson plans,” ani Education Secretary Sonny Angara.

Target ng administrasyon na mabigyan ng laptop ang lahat ng public school teachers bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 2028. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles