Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Dagdag-sahod sa Soccsksargen, Western Visayas, aarangkada sa Nov. 19

Dagdag-sahod ang matatanggap ng mga minimum wage earner sa Soccsksargen at Western Visayas simula November 19 matapos aprubahan ang mga bagong wage order sa dalawang rehiyon.

Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), tataas ng P40 hanggang P45 kada araw ang minimum wage sa Western Visayas.

Magiging P590 mula P550 ang sahod sa mga non-agricultural establishment na may mahigit 10 empleyado, habang P565 mula P525 naman sa mas maliliit na negosyo.

Sa agricultural sector, tataas sa P565 mula P520 ang arawang sahod.

May dagdag na P500 din ang buwanang sahod ng mga kasambahay, kaya magiging P7,000 ang minimum.

Samantala, P41 ang kabuuang dagdag-sahod sa Soccsksargen na ipatutupad sa dalawang yugto.

Unang madaragdagan ng P16 sa November 19 ang minimum wage, kaya magiging P476 sa non-agricultural sector at P459 sa agricultural sector.

May kasunod na P25 dagdag sa January 1, 2027, na magtataas sa sahod sa P501 at P484, ayon sa pagkakasunod.

Tataas din ng P450 ang buwanang sahod ng mga kasambahay sa Soccsksargen, mula P6,000 hanggang P6,450.

Inaprubahan ng National Wages and Productivity Commission ang mga wage order matapos ang konsultasyon sa mga manggagawa at employer. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles