Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

Borongan, dinaragdagan ang gatasang kalabaw para sa feeding programs

Dinaragdagan ng Borongan City, Eastern Samar ang mga gatasang kalabaw upang palakasin ang kita ng mga magsasaka at tugunan ang pangangailangang halos isang milyong litro ng gatas kada taon para sa mga bata.

Noong nakaraang linggo, ipinagkatiwala ng City Agriculture Office at Philippine Carabao Center (PCC) ang mga kalabaw sa mga miyembro ng Borongan Carabao Raisers Association mula Lalawigan, Sohutan, Siha, San Gabriel, Bato at Can-aga.

Ayon kay City Agriculturist Macario Gabornes Jr., bahagi ito ng Gatas Program o Genetic Accession and Transfer na naglalayong pagandahin ang lahi, paramihin ang gatasang kalabaw at gawing dagdag-kabuhayan ang dairy production.

Tiniyak ni Mayor Jose Ivan Dayan Agda na uunahin ng lungsod ang pagbili ng gatas ng mga benepisyaryo para sa feeding programs ng mga bata sa elementarya at daycare centers.

Nagsimula ang partnership ng Borongan at PCC noong August 18, 2022 sa ilalim ng Dukwag Agrikultura Program. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles