Umabot sa 908 ang naitalang biktima ng cybercrime mula January hanggang October 15, 2026, habang 19 kaso ang inendorso ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) para sa prosecution.
Batay sa datos ng PNP-ACG, pinakamarami ang biktimang edad 31 hanggang 45 na umabot sa 336, kasunod ang 324 na edad 19 hanggang 30.
Nakapagtala rin ng 158 biktimang edad 46 hanggang 60, 70 na edad 61 pataas at 20 na edad 18 pababa.
Mula October 8 hanggang 15, inendorso ang 19 kaso para sa regular filing, kabilang ang 10 estafa cases, pitong cyberlibel cases at dalawa pang cyberlibel counts sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Patuloy ang imbestigasyon ng PNP-ACG sa mga cybercrime complaint habang pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa pagbabahagi ng personal na impormasyon online at agad ireport ang mga kahina-hinalang transaksyon. /Bistado


