Kabanata 76: Ang mga Brennan
Mabilis ang paglipad ng helicopter sa ibabaw ng New York.
Sa ibaba, kumikislap ang mga ilaw ng lungsod. Tahimik ang dagat. Madilim ang langit.
Sa loob ng chopper, tahimik si Adrian Brennan.
May dugo sa gilid ng manggas niya. May gasgas sa pisngi. Pero kalmado ang mukha.
Parang hindi siya kagagaling lang sa isang bakbakan.
Sa tabi niya, may dalawang armadong lalaki. Walang nagsasalita.
Tanging ugong ng rotor blades ang maririnig.
Nakatitig si Adrian sa dilim sa labas.
At maya-maya—
Bahagya siyang ngumiti.
“Jiro…” bulong niya.
Parang tinikman ang pangalan.
Parang pinag-aaralan.
—
Mahigit tatlumpung minuto matapos umalis sa Scarsdale, bumaba ang helicopter sa isang pribadong helipad sa The Hamptons.
Malamig ang hangin.
Tahimik ang paligid.
Sa malayo, nakatayo ang isang napakalaking mansion sa gitna ng malawak na lupain. Mahaba ang driveway. May fountain. May mga estatwang bato sa gilid.
Pero walang init ang lugar.
Mukha itong magandang kulungan.
Pagbaba ni Adrian, agad lumapit ang isang aide.
“They’re waiting, sir.”
Hindi sumagot si Adrian.
Naglakad siya diretso papasok.
Pagbukas ng malaking pinto—
Tahimik ang loob.
Madilim ang lighting. Mabigat ang kahoy na dingding. May mga lumang portrait ng mga Brennan sa hallway.
Parang simbahan.
Parang korte.
At sa pinakadulo ng grand hall—
Nakahintay sila.
Ang Brennan elders.
Tatlong matandang lalaki.
Dalawang babae.
Lahat tahimik.
Lahat nakaupo.
Parang board meeting ng mga multo.
Huminto si Adrian sa gitna.
Walang yumakap.
Walang bumati.
Isa sa matatandang lalaki ang unang nagsalita.
“You revealed yourself too early in the game.”
Malamig ang boses.
Diretso.
Hindi gumalaw si Adrian.
“They needed to see me,” sagot niya.
“No,” putol agad ng isa pang elder. “You wanted them to see you.”
Tahimik.
Tumalim ang mata ni Adrian.
“And now?” dagdag ng babae sa kanan. “The Ruedas are on guard.”
Lumapit ang isa sa matatandang lalaki sa mesa.
May hawak na tablet.
Sa screen, lumabas ang satellite image ng wasak na Scarsdale compound.
“Cleansweep is fully active now,” sabi nito.
“Federal channels are moving.”
“Rueda assets are mobilizing.”
Tahimik si Adrian.
Pagkatapos, dahan-dahan siyang ngumiti.
“Good.”
Napatingin ang lahat sa kanya.
“Good?” ulit ng elder.
Tumango si Adrian.
“For eighteen years, Ariel stayed hidden.”
“Now he’s moving.”
Tahimik.
“It’s easier to hunt a man who’s afraid to lose something.”
Napatigil ang matandang babae.
“You’re emotional.”
Bahagyang napailing si Adrian.
“No.”
Saglit siyang tumingin sa apoy sa fireplace.
“I’m patient.”
Tahimik.
Maya-maya, nagsalita ulit ang pinakamatandang Brennan.
“Did you see the boy?”
Tumango si Adrian.
“Yes.”
“And?”
Doon bahagyang nag-iba ang mukha niya.
Parang may amusement.
“He’s still weak.”
“Confused.”
“Emotionally attached.”
Tahimik.
“Useful,” dagdag niya.
Napalunok ang isa sa mga elder.
“Do not underestimate a Rueda heir,” malamig na sabi ng babae.
Tumingin si Adrian sa kanya.
“And you,” sagot niya, “should not overestimate a child.”
Tahimik ang hall.
Mabigat.
Pagkatapos, dahan-dahang umupo si Adrian sa dulo ng mesa.
Relaxed.
Parang siya pa ang may kontrol.
“Where are they moving?” tanong niya.
Isang aide ang lumapit.
“Current assumption, out of New York.”
“Washington?” tanong ng elder.
Tumango ang aide.
“Likely.”
Tahimik.
Pagkatapos—
Bahagyang natawa si Adrian.
“Of course.”
“The capital.”
Napatingin ang mga elder sa kanya.
“At least Ariel still thinks governments matter.”
Tahimik.
Dahan-dahan niyang pinagtagpo ang mga daliri niya sa ibabaw ng mesa.
“And while he protects his family…”
Saglit siyang tumigil.
Ngumiti.
“…we slowly burn the world around them.”
Sa labas ng mansion, mas lumakas ang hangin mula sa dagat.
At sa loob ng tahanan ng mga Brennan—
Nagsimula na ang susunod na galaw sa isang digmaang hindi pa man nagsisimula nang buo—
Marami nang namamatay. /Itutuloy sa susunod na kabanata


