Tampok ang mga produktong hinabi at bagong teknolohiya sa tela mula sa 40 weaving enterprises sa Philippine Handloom Weaving Festival sa isang mall sa General Santos City sa November 25–29.
Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), kabilang sa mga aktibidad ang Hinabi Textile Bazaar at exhibit ng mga makabagong materyales, sustenableng proseso at bagong gamit ng tela.
May mga talakayan at technology demonstration din, kasama ang symposium sa Philippine Ikat, isang tradisyonal na paraan ng pagtitina at paghahabi sa Southeast Asia.
Sa mga nakaraang edisyon, umabot sa P13 milyon ang kinita ng 220 lokal na manghahabi, ayon sa DOST. Naiugnay rin sila sa mahigit 3,000 mamimili at negosyo.
Katuwang sa festival ngayong taon ang mga lokal na pamahalaan ng South Cotabato at General Santos. /Bistado


