Mas maikling biyahe ang inaasahan ng mga motorista at commuter mula Cavite at Laguna patungong Metro Manila sa nakatakdang pagbubukas ng mga bagong bahagi ng Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at CAVITEX-CALAX Link sa December.
Sa CALAX Subsection 2, inaasahang magiging 11 minuto na lang ang biyahe mula Open Canal Road sa Imus hanggang Governor’s Drive sa Cavite.
Walong minuto naman ang inaasahang biyahe sa pagitan ng Centennial Road sa Kawit at Imus kapag binuksan ang Subsection 1.
Kasabay na nakatakdang buksan ang 1.2-kilometrong CAVITEX-CALAX Link o CCLINK.
Ininspeksiyon nina Transportation Secretary Vince Dizon at Public Works Secretary Giovanni Lopez ang dalawang proyekto nitong Huwebes, November 19. /Bistado


