Mga produktong Pilipino, posibleng mas madali nang lalanding sa South Korea kapag napagtibay ang pag-upgrade ng ASEAN-Korea Free Trade Area.
Kinumpirma ni South Korean President Lee Jae-myung na nagsimula na ang negosasyon sa 27th ASEAN-ROK Summit nitong Lunes, na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang ASEAN Chair.
Target nitong iangkop sa nagbabagong pandaigdigang ekonomiya ang halos dalawang dekada nang kasunduan sa kalakalan.
Ayon sa Presidential Communications Office, maaaring makinabang ang mga Pilipinong exporter ng produktong agrikultural, processed food, manufactured goods, electronics at garments.
Isa ang South Korea sa mahahalagang trading partner ng Pilipinas, na may ugnayan sa pamumuhunan, manufacturing, teknolohiya at turismo. /Bistado


