Pinalalakas ng ASEAN at Australia ang kooperasyon sa critical minerals at malinis na enerhiya, na posibleng maghatid ng puhunan at trabaho sa Pilipinas.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 6th ASEAN-Australia Summit sa Pasay nitong Lunes. Pinagtibay din ng ASEAN ang deklarasyon para bumuo ng regional Critical Minerals Strategy.
Ayon kay Marcos, umabot sa AUD197.5 bilyon ang kalakalan ng ASEAN at Australia noong nakaraang taon. Pinalalawak naman ng upgraded ASEAN-Australia-New Zealand Free Trade Area ang access ng mga negosyo sa merkado.
“Through the Aus4ASEAN Futures Initiative, Australia supports our digital transformation, our energy transition, and the ASEAN Power Grid,” ani Marcos.
Sumali rin ang Australia bilang anchor partner ng Regional Connectivity Fund for Energy in Southeast Asia. /Bistado


