Top 5 This Week

spot_img

Related Posts

6 foreigners timbog sa umano’y cyber fraud, iligal na sugal

Anim na dayuhang wanted sa Taiwan at China ang dinakip ng Bureau of Immigration (BI) sa Mandaue City, Parañaque City at Cagayan dahil sa umano’y cyber fraud, ilegal na online gambling at pekeng alok na trabaho.

Nahuli noong October 29 sa Barangay Pagsabungan, Mandaue ang mga Taiwanese na sina Chan Feng Jui, 23, Yu Hsin Yu, 28, Wu Ching Yen, 25, at Jian Cheng Jia, 24.

Ayon sa BI, nagpapatakbo sila ng online platforms nang arestuhin. May mga warrant laban sa kanila mula sa Taiwan New Taipei District Prosecutors Office kaugnay ng umano’y cybercrime.

Noong November 4, dinakip naman ang mga Chinese national na sina Yang Jiazhi, 31, sa Parañaque at Cheng Kun, 41, sa Cagayan.

Tumulong umano si Yang sa sindikatong may 360 ilegal na gambling website at humawak ng mga internasyonal na transaksyong pinansyal nito. Wanted siya sa Sichuan at iniulat na may Interpol Red Notice.

Si Cheng naman ay umano’y naningil ng 35,800 yuan sa kababayan kapalit ng pekeng pangakong trabaho sa abroad at iba pang serbisyo. May detention warrant siya mula sa Fuxin noong 2024.

Nakakulong ang anim sa BI facility sa Taguig habang hinihintay ang deportation proceedings. /Bistado

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Popular Articles